Laro ng Lahi

homeabout mecontact

elyong_busyok

Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya’t dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro, pagpipinta at pagsusulat.

Ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at masining na damdamin. Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga susunod pang mga karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng kabataang paglalaro.

Ang Laro ng lahi (katutubong laro, larong kalye o larong pinoy) ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Dito unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating makakabuti para sa atin.

Kung babalikan ang masasayang kwento ng mga batang nakapaglaro ng laro ng lahi, hindi mauubos ang mga masasayang kwento na naging dulot ng larong ito. At walang duda na ito ang humubog at nagbigay kulay sa kamusmusan ng bawat batang Pilipino.

Sa panahon ngayon, higit na dapat makilala ng mga bata ang laro ng lahi dahil sa ito ay may masmagandang maidudulot sa kamalayan at paghubog sa kanilang kamusmusan.

Mga ilang pakinabang sa paglalaro ng laro ng lahi:

1. Isa itong mainam na ehersisyo sa mga bata

2. Natuturuan maging maliksi ang kilos

3. Nade-develop ang kanilang pakikipagkapwa

4. Natututong magdesisyon ng mabilis

5. Nakakapagpatalas ng isipan at napapalawak ang emahenasyon at pagkamalikhain

Narito ang ilan sa mga kilalang laro ng lahi na nakatampok sa blog na ito.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa laro ng lahi bisitahin lamang ang mga link na ito :

Add to Technorati Favorites


Digg!

Subscribe in a reader

28 thoughts on “Laro ng Lahi

  1. Hahah nakakatawa naman yung kalabaw, online games ang hanap. Nag-vote ako sa poll. I voted for Patintero.. hehe. Tama, kakalungkot isipin na kunti na lang ang naglalaro ng katutubong laro at halos lahat ng bata ay nasa computer na nagpapalipas ng oras. Kaya tuloy mas maraming bata ang nagiging obese ngayon. tsk tsk!

    Just blog hopping. Mind if i add your link to my “FaVORITES” section? ;)

    eli:at mukhang patintero expert ka ah. hehe. oo nga, halos hindi na alam ng mga bata ito ngayon. salamat sa pagdaan at sa pag-add ng link. i-link rin kita ha.

  2. eli friendster,

    i might one of these days write an article on laro ng lahi for a print medium (newspaper). request ko sana ang mga paintings mo na gamitin ko’ng visual representation ng article ko. as usual, there will be credits sa work mo. pliz!

    • hehe.. maganda yan!
      no problem gayyem. basta kapag ready na, contact mo lang ako para maipadala ko sa iyo ang high resolution version ng mga gawa ko na mapipili mo. okay ba?

  3. Mabuhay po kayo sa inyong pagtataguyod ng kaalaman sa Laro ng Lahi. Kaisa ninyo ang Magna Kultura Foundation sa patuloy na pagtatayuyod nga kayamamang ito, upang malaman ng mga kabataan sa panahong ito kung gaanong kasaya ang maging isang tunay na batang Pinoy.

    Sama-sama tayong sa patuloy na adbokasiya ng kalingang Pilipino. Ipakita natin sa ating mga kababayan, at sa buong mundo, na tayong mga Pinoy ay mayroon mga Astig na Laro na kasing husay nga mga pandaidigang palaro.

    Mabuhay ang mga Pinoy! Padayon!

    ~ DICKIE AGUADO, Executive Director – Magna Kultura Foundation

    Bisitahin Ang pang-sining at kalingang Websites ng Magna Kultura sa:

    http://magnakultura.multiply.com

    http://asiancenter.multiply.com

    http://palarongpinoy.multiply.com

    http://dickieaguado.multiply.com

  4. Hi frend eli,naks galing talaga ng frend q,hanga me sa mga katha at mga ipininta mo,salamat naman at may mababasa me d2 sa fb na mga wento thru ur blogs,congrats and tc.:-)

  5. alam ninyo ang mga larong pinoy ang hindi dapat satin mawala kasi ito ay sumisimbolo sa kultura nating mga mamamayang pilipino………..

  6. ^_^ .aHaHAh.. it’x XoO niCe To Know tHaT i STiLL reMembeR xUm of ThiS GamEs..
    . iYaKaN ..TWanAN..asARaN..Dame qu TLGaH naRanaXan dtu..ahahaH.. [xuBraNg cHildiSh..heHEh]
    —>> oNe of my FavoRiTe game iS “paTinTeRo”..
    —>> aDD me up [creszelleanne_31-fs] .TeNkxiuu.

  7. Actually i’ve been working with this issue in my case study for my master’s degree pointing out the importance of Native games to Filipinos specially to the youth…. We are urge to see what will be the stand of Larong Pinoy nowadays. It is a privileged to take part on this issue…. Malaki na rin ang pinag bago ng mga kabataan sa ngayon dahil sa mga makabagong teknolohiya na makakaganyat sa atensyon ng mga kabataan sa kanilang paglilibang…. Ang Tanong ko, Anu ba ang magagawa natin upang muling matangkilik ng mga kabataab kun anu ang mga larong kinawilihan natin noon….. Alam ba nitong laruin?

  8. Shaaaaaaaaaaatong!!!! ‘to ang paborito kong laro! nagtatimes 2 times 3 pa score ko dito, nakalimutan ko na nga lang terms kasi kahit mga anak ko di na ito nilalaro.

  9. Pingback: Larong lahi | Moonshotvideo

  10. ngeeeeek ang shatong kong favorites na laro ay maliit nlang ang nag lalaro ang pangt naman.bkt kaya ang mga bata ngayon ay hndi na naglalaro na nga mga larong lahi cguro dhail sa computer na ngayon ang kanlang pagbibisehan….:OI…):)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s