Unang araw ng Nobyembre, umuwi ako sa amin. Mismong araw ng undas ay nagbyahe ako mula Nueva Vizcaya papuntang Nueva Ecija—ang aming probinsiya. Hindi naman problema ang sasakyan kapag galing ng norte kahit pa panahon ng bakasyon o uwian. Kase ang siksikan lang naman ay ang mga bus na galing Manila. Naka-counterflow ako sa dagsa ng pasahero.
Pagkatapos ng halos apat na oras na biyahe ng bus ay nakarating ako ng Cabanatuan City. Mula dito ay kailangan ko pang sumakay ng mini-bus (1 oras na byahe uli) para makarating sa bayan namin—sa bayan ng Bongabon. Pagkarating ng bayan ng Bongabon, kailangan ko pang sumakay ng tricycle para makarating sa barangay namin. Pero dahil sa undas nga noon, sa sementeryo na ako dumeretso.
Pagdating ng sementeryo nadatnan ko dun ‘yong mga pamangkin ko. “Asan si nanay?”, naitanong ko sa isa kong pamangkin. At doon ko naintindihan na pinili na lamang niyang mag-stay sa bahay namin.
Pagkaraan ng halos isang oras na pag-stay sa sementeryo, umuwi na kami.
Habang nasa daan pauwi ay naalala ko ‘yong elementary life ko. Ito ay dahil sa mga sumusunod na larawan. Gusto kong ipakita ang mga larawang ito hindi para magreklamo (wala din naman akong mapapala kapag ginawa ko ‘yon) o ipakita ang kawalang pakialam ng mga nanunungkulan sa lugar namin (sus) kundi para higit ninyong maunawaan ‘yong nilalaman ng kwento ko tungkol sa karanasan ko sa pagdaan ko sa kalsadang ito (~_^).














Salamat sa comments