Matagal akong hindi nag-a-update sa blog na ito. Pakiramdam ko kase ay naubusan na ako ng iba-blog. Pero ngayon, eto uli ako… nagbabalik para pakitaan kayo ng iba pang mga larawang masasabi nating tatak Pinoy.
Sa pagkakataong ito, gusto kong i-share sa inyo ‘yong mga gawa kong 3D. Oo, tumi-3D na ako! Salamat sa Google Sketchup Pro. Salamat sa mga libreng lessons/tutorials sa youtube! Salamat din sa isang kaibigan na nagbigay sa akin ng installer na may keygen . Tunay nga, the best things in life are FREE (softwares)!
Narito ang mga nauna at medyo ‘matinong’ 3D models na nagawa ko sa Google Sketchup.
Natatandaan mo ba ito?
Alam mo ba kung ano ito? Nasubukan mo bang sumakay dito?

Patuke/ ulnas – gamit ng magsasaka na lagayan ng mga gamit pambukid. Hinihila ng kalabaw at ginagamit ding panghakot ng mga inaning gulay, palay at iba pa.
Nasubukan ko naring mag-aral ng 3D gamit ang ibang software pero dito lang sa sketchup ako medyo naging seryoso. Madali kase itong gamitin at madami pang available na tutorials sa youtube.
——————-
SketchUp is a 3D modeling program optimized for a broad range of applications such as architectural, civil, mechanical, film as well as video game design — and available in free as well as ‘professional’ versions.
The program highlights its ease of use, and an online repository of model assemblies (e.g., windows, doors, automobiles, entourage, etc.) known as 3D Warehouse enables designers to locate, download, use and contribute free models. The program includes a drawing layout functionality, allows surface rendering in variable “styles,” accommodates third-party “plug-in” programs enabling other capabilities (e.g., near photo realistic rendering) and enables placement of its models within Google Earth - en.wikipedia.org/wiki/SketchUp

Hindi ko pa nasusubukan iyang Google Sketch Up. Pero ang ganda ng gawa mo!
Grabe andami na talagang mga kamangha-manghang teknolohiya nowadays, at hindi pa rin ako makapag-update hihi, okay lang yon, tuloy pa rin ang buhay