Mga Lumang Bahay

Minsan, naanyayahan ako ng isang kaibigan sa lungsond ng San Jose (Nueva Ecija) para kuhanan ng larawan ‘yong mga lumang bahay (ancestral house) doon. Ang mga makukuha naming larawan ay gagamitin sa opisina ng toristmo ng naturang lungkod. Ilang buwan palang akong nakakahawak ng DSLR noon kaya naman medyo excited ako. Pagkakataon ko na rin kase iyon para makapagpraktis at makakuha ng ilang tips sa mga kasama namin [na kukuha ng larawan] ng tamang mga setting sa pagkuha ng larawan.

Siyempre, nagpaalam kami sa mga nakatira sa mga bahay bago kami kumuha ng larawan. Nagtanong-tanong din kami para makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa mga lumang bahay na ito. May mga ilang natanong kami na minana ang mga bahay na ito sa kanilang ninuno. ‘Yong iba naman ay nakatira doon dahil sila ang katiwala ng pamilyang may-ari ng bahay.

Dinaanan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang mga bahay na ito ngunit nakakatuwang isipin na heto sila’t nananatiling nakatindig at buo parin. Ilang malalakas na lindol at bagyo narin ang nalampasan nila ngunit animo’y nasanay na sa pagsubok ng panahon kaya nanatiling nakatayo matatag parin ang mga ito.

Kung makakapagsalita lamang ‘yong mga lumang upuan, kurtina, alikabok, sapot, basag na bintana, mga haligi at iba pang bahagi ng mga bahay, siguro kulang ang tatlong araw para ikwento ‘yong mga pinagdaanan nila.

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Image

Anong masasabi n’yo?

 

Bago ako magtapos, may mahalagang announcement ako…. May bago akong blog! 

Inaanyayahan ko kayong dalawin ang aking bagong blog…ito ang Blessed Pixel. Dalaw kayo ha :-).

About these ads

9 thoughts on “Mga Lumang Bahay

  1. Nice set kapatid! Napakanostalgic ng effect, dahil sa sepia… Para lang akong nasa probinsya namin, sa Silay City… :)

    Parati akong dumadalaw sa bago mong blog… :) Ang galing… Magkokomento ako dun after nito… :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s