Noong nakaraang sabado ay nakarating kami ng O’ Donnell High School sa Capas, Tarlac dahil naimbitahan ang grupo namin sa isang ‘ART workshop’.

Pero bago yan, biyernes ng gabi ay nagkaroon ako ng pagkakataon na masaksihan ang Awards Night ng ESIHAS o 2009 Esihas 4th Digital Film Festival na ginanap sa Cinema 3 ng Mega Center The Mall sa Cabanatuan City. Sa totoo lang, aliw na aliw ako (bagamat hindi ko napanood lahat ng mga entry sa nasabing paligsahan) dahil sa nakakatuwang isipin na may ganitong uri ng paligsahan kung saan ay maaaring mapagyaman ng mga kalahok ang kanilang talento sa pag-arte at paggawa ng mga makabuluhang dokumentaryo at pelikula. Ang Esihas ay isang Digital Film Festival na kung saan ang mga kalahok ay mga guro at estudyante ng Elementarya at High School sa Nueva Ecija. Ayon sa mga organizer, ang ganitong uri ng paligsahan na pinangungunahan ng DepEd ay dito lamang isinasagawa sa lalawigan ng Nueva Ecija kaya naman excited akong ibalita ito sa inyo (kase nga po, novo ecijano ako!). Maaari n’yong mapanood ‘yong mga gawa ng bawat kalahok sa http://www.esihas.com.

Hiyawan ang lahat sa tuwing tatawagin ang mga nagkamit ng parangal mula minor hanggang sa major awards. Lalong lalo na nung i-announce ‘yong mga nagwagi sa best actor, best actress at best film! Umalingawngaw ang paligid at damang dama ang pananabik ng bawat naroon. Oh ha parang MMFF diba? “…And the Esihas goes to…… !” (para sa kompletong listahan ng mga nagsipagwagi, paki-bisita na lamang ang website ng esihas.

Esihas

Mga cast ng pelikulang Makukulnay mula sa Rizal National High School

intermission muna

.

.

Sabado ng umaga, bagama’t puyat pinilit parin naming gumising ng maaga para sa lakad namin sa Tarlac. Habang nasa daan ay masaya kaming nagkukwentuhang magkakaibigan. Naalala namin yong mga pagkakataon noon na halos wala kaming pamasahe kapag may lakad. Noon ay hindi kami nagbibilangan ng pera kapag may lakad, basta pinagsasama-sama lang namin lahat ng pera namin at hindi na namin tinitingnan kung sino ang maliit at malaki ang ipinatak! Ang saya ng tawanan natin habang naaalala ‘yong mga pinag-daanan namin. “Kung noon, halos wala tayong pamasahe nakakarating tayo sa kung saan-saan ngayon pang may sarili na tayong sasakyan”, si ces na tuloy-tuloy ang kwento habang nagda-drive.

Anim nga pala kaming nagpunta: si Bro. Tolitz (amangpintor.net), Si Bro Ces (kasalukuyang Chairman ng Board of Trustees ng aming Samahan, si Bro Loy (ang executive director), si Bro Kit (isang kasapi mula sa Guimba Chapter), Si Von (isang estudyante mula sa CLSU) at ako (~,`).

Medyo nag-aapura na kami noon kase tanghali na kami at isa pa, pare-pareho kaming hindi alam ‘yong lugar na pupuntahan namin. Pero nagtaka kami pagdating ng Bayan ng Guimba kase ma-traffic. Bakit kaya?

“Baka may patay”

“may aksidente?”

“may ginagawang kalsada, alam nyo naman malapit na ang election”

‘yan ang iba’t ibang kuro-kuro namin kung bakit ma-traffic pero lahat kami mali. Dahil pagdating sa dulo eto ang nakita namin.

Si Jollibee nagta-traffic! Kaya naman pala ma-traffic!

Jollibee, ano yan? sideline?

sige, ang kulet ng bubuyog na 'to!

sige pa. sipag ah.

Ang kulet ng bubuyog na ‘to!

Pagdating ng Victoria, Tarlac, agaw pansin naman ang kakaibang, uri ng transportasyong ito.

sige magtaas kayo ng gas hanggat gusto nyo!

hari ng kalsada

At dahil sa pare-pareho kaming hindi alam ang pupuntahan, halos lahat yata ng kanto ay napagtanungan namin lalo nung malapit na kami. Kaya hayun, sobrang late na ng dumating kami sa lugar na pupuntahan namin.

sa wakas…nakarating din kami.

Hindi halatang pinaghandaan nila ang pagdating namin :-) .

hanggang dito nalang po muna…itutuloy:

Susunod:

ano kaya ang ginagawa nila?

ang ganda ng ngiti nila. Sila ang mga estudyanteng tuturuan namin. Makikita n’yo ang mga gawa nila sa susunod..abangan.. :-)

Kung sabihin ng iba na ang aking mga gawa ay gawa ng isang bata ito ay aking ikatutuwa. Dahil ang mga batang nagsisimulang humawak ng lapis, nagsisimulang kumembot at nagsisimulang kumanta ay mga tunay na alagad ng sining sa dahilang hindi nila alintana kung pangit o maganda ng kanilang ginagawa basta ang nais nila ay maihayag ang kanilang saloobin at damdamin, at maligaya sila sa kanilang ginagawa–EV Circa (http://amangpintor.net)