Sa halos isang taon ng pagba-blog ko, puro tungkol sa art, kultura at laro ng lahi ang inilalagay ko sa blog na ito. At dahil dyan, tutal malapit naman na ang araw ng mga puso kaya kwentong lovelife naman tayo.
February 2, 2008 noong huli kong mayakap si honeyko (honeyko ang tawagan namin ng gf ko). Isang taon na ang nakalipas pero sariwa pa sa isip ko ‘yong pagpapaalam niya, Malungkot at sa pakiramdam ko ay halos gumuho ang mundo namin.
Bakit kailangang may relasyong isakrepisyo? Bakit kailangan niyang umalis? Sino ba ang nagpauso ng pag-a-abroad na yan? Bakit kailangang mangyari ito? Bakit…bakit at bakit uli?! ‘Yan ang ilan sa halos hindi mabilang na mga tanong ko noon. Paulit-ulit, masakit sa ulo at nakakapagod isipin ang kasagutan. Kahit anong paliwanag niya ay hindi ko maunawaan o siguro’y ayaw ko lang intindihin.
Oo, kailangan niyang mangibang bansa upang doon magtrabaho bilang isang nurse. Akala namin noon hindi na siya matutuloy. Halos isang taon kaming naghintay. Pero hindi siya tinatawagan. May mga bagay na kaming pinaplano kung sakaling hindi na siya matutuloy. Ngunit kong kailan nai-set na sa isip ko na hindi na siya aalis ,kung kailan hindi na kami handa saka biglang bigla naman siyang tinagawan—ilang araw lang ang nakalipas umalis na siya. Para tuloy ang bilis-bilis ng pangyayari.
Gabi noon (pagitan ng 7 o 8 ng gabi) nang tawagan niya ako.
Krrrriiiiingggg….krrrriiinnnggggg….
“Ehem”, (pause) at medyo tinimpla ko pa ang boses ko para makapagpa-cute.
“Hello honeyko!” malambing na boses at todo ngiti pa ako nun.
“Honeyko, may problema tayo” malumanay at dama ko ang lungkot sa boses niya. “Kuwan, kase…di ko alam kung pa’no na…” pagpapatuloy niya. At dito na ako nagseryoso at hindi ko na siya tinantanan ng katatanong.
“Bukas ng madaling araw luluwas ako ng Manila…Aalis na ako.. Bukas kailangan ko nang lumuwas para kunin ‘yong plane ticket ko!” naibulalas niya.
Natigilan ako sa narinig ko. Matagal bago ako nakapagsalita. Parang nanginig ‘yong kalamnan ko…hindi ko maipaliwanag ‘yong naramdaman ko nung sandaling iyon. Magdamag akong hindi nakatulog…nag-iisip..nagtatanong. Kinabukasan, hindi na ako pumasok sa trabaho ko, bumiyahe ako patungong Metro Manila para sundan siya doon.
Love has given me wings,
so I must fly.
~ A Knight’s Tale
Halos magdidilim na nung magkita kami, malungkot at puro titigan lang kami. Ayaw kong magtanong…ayaw kong pag-usapan namin ‘yong pag-alis niya.
“Ilang araw nalang tayong magkakasama”, malungkot ang tinig habang inilalabas ‘yong plane ticket mula sa envelope. “Totohanan na ‘to honeyko”, nanlamig ako nung marinig ko iyon sa kanya. Hindi ko maiwasang malungkot kase parang ang hirap kapag malayo na siya. “Sino pa ang kasama kong mamamasyal? Sino pa ang makikinig ng mga kwento at sa mga ediya kong siya lamang ang nagtitiyagang makinig. Makaya kaya namin ang pagsubok ng long distance love? ‘Nawala ako sa ayos nang mga sandaling ‘yon. Maraming tanong na may halong takot ang nag-unahan sa isip ko. Pa’no na? Pa’no na to? Sinundan pa ito ng isang forwarded text ng isang animo’y nananadyang kakilala na ganito ang sinasabi :
Kahit ilang centrum ang inumin mo,
kung wala naman ako sa buhay mo.
Hindi ka parin magiging COMPLETE!
Ilang sandali pa ay namulat nalang ako na nag-uusap na kami tungkol sa mga bagay-bagay. Isang masinsinan at puso sa pusong usapan. Pagkatapos ng mahaba-habang usapan ay parang nagkaroon kami ng assurance sa isa’t isa. Sa totoo lang, nung una kong makita ‘yong plane ticket niya ay parang gusto ko itong agawin at punitin (hehe). Syempre naisip ko lang ‘yon pero alam kong hindi ko kayang gawin.
“Okay na? So, ngayon… ah… ganito… gawin nating masaya at makabuluhan ang huling tatlong araw”, tinig iyon ng honeyko. “Wala munang malulungkot ha!” sagot ko naman sa kanya sabay ngiti para makita niya ‘yong dimple ko (naks!). Sa loob ng tatlong araw bago siya umalis ay ganun nga ang ginawa namin. Inalala naming ‘yong mga masasayang sandali, nagtawanan at masayang nagkwentuhan. Laging magkahawak ang mga kamay at mayat maya ay nagbubulungan kami ng “I love you honeyko!”. Sa tingin ko sa mga eksenang yun, walang sinabi ang loveteam nina Piolo Pascual at Angel Locsin o kaya naman ng klasikong pag-ibig nina Jack at ni Rose. Parang bigla akong nabulunan ah!
This is crazy.… I know.
It doesn’t make any sense.
That’s why I trust it.
~ Titanic
Pero sadyang napakaikli ng tatlong araw, kailangan na niyang umalis kaya kahit anong gawin namin ay hindi na namin kayang maging masaya. Kailangan na niyang umalis, kailangan na MUNA naming magkalayo. Bagaman malungkot at nakakapanibago, siguro ay kailangang mangyari ito para higit naming makilala ang isa’t isa. Kailangan naming lampasan ang pagsubok ng panahon at ng pagkakaton upang lalong tumibay ang samahan namin.
When you realize you want to spend
the rest of your life with somebody,
you want the rest of your life
to start as soon as possible.
~ When Harry Met Sally
“Salamat sa pagmamahal mo. Tandaan mo, kailangan mong maghintay dahil babalik ako.” bulong niya habang mahigpit ang yakap namin sa isa’t isa. Halos ayaw naming bumitaw, kakaiba at dama ko bawat pintig ng puso nya. Bagama’t maingay sa lugar na iyon pakiramdam ko ay naka-mute sila upang kaming dalawa lamang ang magkaintindihan. Pagbitiw niya, bigla na siyang tumalikod at hindi na lumingon pa.
Senti epeks naisip ko lang:
- paboritong pasyalan namin ang QC Circle at Wildlife noon (student siya ng Fatima at ako naman ay sa Paranaque nagta-trabaho)
- favorite color niya ang violet. marami akong painting na may kulay violet
- pareho kaming CLSU graduate (Biology ang 1st course niya) pero hindi kami nagkakilala sa loob ng campus
- nagkakilala kami sa computer shop noong gumagawa siya ng thesis niya.
- napanaginipan ko siya ilang buwan bago kami magkakilala. Minsan habang nagkukwentuhan kami ay parang naulit yong scene sa panaginip ko — yong suot niyang gamit, ‘yong lugar, ‘yong ayos ng buhok at anggulo (angle) ng mukha niya – doon ko narealize na siya pala ‘yong babae na ilang beses kong napanaginipan
- noong unang valentine namin (na kami), halos pareho ng design at kulay (violet, red at gold ang letters) ‘yong valentine card na nabili namin.
- first date namin, biyernes santo (good friday) kaya ilang beses na kaming paikot-ikot sa clsu ay wala parin kaming makitang mabibilhan ng pagkain
- nagdrama ako minsan nung bago pa lang kami. feeling ko kase nun, ulap siya at nasa banging naman ako (gasgas na kase yong langit ka lupa ako!). at ganito ang sagot niya, “KUNG FEELING MO HINDI MO NA AKO KAYANG ABUTIN, SABIHIN MO LANG PARA MAKABABA AKO AT AKO NAMAN ANG AABOT SA IYO”.
Hindi ko kini-claim na perfect ang samahan namin ng honeyko, tulad ng pangkaraniwang relasyon, marami rin kaming ups and downs. Pero sinisikap naming solusyonan ang bawat problema at pinipilit na lampasan ang bawat pagsubok. Sa ngayon, kasalukuyan kaming nasa kalagitnaan ng pinakamalaking pagsubok na susukat sa pagmamahalan at katapatan namin. Sana malampasan namin ito.
Bilang pangwakas, hayaan n’yong iwanan ko ang isang malupet na linyang ito…
LOVE… it always trusts, always hopes, always perseveres (1 Cor. 13:7).








ka eli, lungkot naman ano? ganyan talaga ang buhay, kelngan may magsakripisyo sa inyo, kaya lang sya yung nauna na magsakripisyo kaya tibay lang ng loob yan ka eli..kaya mo yan..tingin ko naman e mahal nyo talaga ang isa’t-isa..gusto ko ang linya ng honey mo, : kung feeling mo hindi mo na ako kayang abutin, sabihin mo lang para makababa ako, para ako naman ang umabot sa iyo…hangad ko ka eli na sana’y mapagtiisan nyo pareho ang lungkot ng di nyo kasama ang isa’t-isa..
hehe.. ako pala ang unang mag- comment
Wow, ganda naman nitong post na ito, may quotes pa ha,
ang ganda ng love story nyo pang mmk
gustong gusto ko yong salitang ” kung feeling mo hindi mo ako kayang abutin, sabihin mo lang para makababa ako, para ako naman ang umabot sa’yo”.
Galing mong mag kwento eli
napanaginipan ko siya ilang buwan bago kami magkakilala.
humanga ako dito. this made me believe na talagang God is preparing someone for you.
I know you can through that. Kaya niyo yan! aja!
)
awwsss, feel na feel ko ang inyong love story. pero tama ka dyan sa iniwan mong linya — kapag nagmamahal, kayang kaya ang lahat kahit na ang malayong distansya.
awkward nga yung scene na ganun..yun bang ilang araw eh magpapaalam na ang isa sa inyo..ang masaklap lang, yung sa akin for good na talaga..nagaral siya sa amerika at dun na din magtatrabaho, sabi kasi ng parents niya..tsk tsk..ayun tuloy, talo..pero babalik pa naman siya diba? so masuwerte ka pa..sobra..waw..senti mode ito..haha! napadaan lang..at nagiwan na din ng komento..hapi blogging..
‘
ka eli, di pa pumapasok yung una kong mensahe sayo..tignan mo nga kung bakit?
Kuya Eli…Nakakabiak ng puso.Parang tunutusok dibdib ko habang ngbabasa.
(Sabay yuko,habang ngbubuntong hiningna.Nag iisip kung ano ang susunod na isulat===
Background music “Take me I’ll follow” Tired of feeling all by myself Being so different…Music goes on…Mas lalo nakakalungkot,nafefeel ko ang mga pangyayari).
=======
Pero talagang ganyan minsan ang buhay.
Kailangan pa ring mgpakabuhay,
para sa mahal natin sa buhay.
Para kahit paano sasaya na rin ang ating buhay.
Para sa panibagong yugto ng ating buhay.
======
We should be patience for the things to come at the right time.
It’s a hard task,but we should do it,
because sometimes we don’t have the choice.
We need to be strong.
And I know that you are strong,because you still there.
Standing,breathing,at the other side of the world.
You’re still hoping and waiting for the right time to come.
GOD’s well Kuya Eli…
aaay… how swet, kakakilig naman pala labstory mo kuya.
at talagang sa CLSU nagkatagpo ng landas ha…
nwei, naniniwala ako kht malayo kayo sa isat isa as long as nasa center c God ng relationship, there’s no need to worry.
saan ka man, naroroon ngayon
babalik ka rin…
sabi nga ni gary v.
mahirap kasi Pilipinas, minsan talaga kailangang mamili… love or money…
hindi naman pwedeng love dahil gugutumin ka, kung money naman malulungkot ka…
ganyan ang buhay eh… la tayo magagawa.. maghintay.
ramdam na ramdam ang pagmamahal mo sa kanya. kakatuwa kasi ang pag ibig nga naman ay talagang humuhugot ng lakas. kakatuwa at talagang hindi mo rin nalilimutan yung mga paborito nya.
wehh. hangsweet naman non!
mei langgam oh.
ang msasabi ko lang eh, magpakatatag kayo.
kaya niyo yan!
go lang ng go.
may mga ganyan tlgang pagsubok sa mga relasyon.
Ka Eli:
Talaga naman ha. Napapanahon ang kuwentomo. Baka magawanko ‘yan ng isan short story he hehe. Datapwat, hindika dyan nag-iisa, maramikayo (di ako kasama dyan bwa ha ha ha), milyong milyon ang nasa ganyang kalagayan.
‘di natin pagtuunan ang epekto ng sinasabi nating ALIENATION (ALIEN-NATION), ang sakit na dulot nito. Ang magandang tanong at ‘yun ang tanongmo: Bakit may ganito, bakit may mga taong dapat dumanas ng ganito? Tumbukin natin ang dahilan. Kung, matumbok natin ang DAHILAN (CAUSE) hindi lungkot ang ating maramdaman, INIS, PUOT, GALIT, sa SISTEMA na ating kinasasadlakan.
Una, nasa ating kamalayan na, na ang pag-unlad ay ang pag-export ng ating SARILI. Bakit tao ang i-export, hindi bagay? O, bagay na lang ba ang PAGKATAO natin?
Pangalawa, dahil commodified na tayo, may presyo na tayo, di ba? Magalit tayo sa sistema na umiiral sa atin ngayon. Tignanmo, ang ginawa ni PGMA sa DAVOS, ang World Economic Forum. Hindi bagay ang inilalako nya doon, tayo, TAO. Hinanap nya kung saan pwedeng magtrabagho ang mga Filipino.
Pangatlo, pulpol ang utak ng mga LEADERS natin. Kung, magawan sana ng paraan na lahat ng mga namumuhunan ay magtatag ng pabrika dito, dapat produkto ang i-export, hindi, manggagawa. E, paano, may MAFIA sa mga mayayaman. Sana sila rin ang makadanas ng pighati ng naiwan at napag-iwanan. Maranasan sana nila ang mawengwang ng anak dahil sa droga dahil wala ang nanay o tatay na gumabay sa bata, dahil nasa abroad. Ilang pamilya kaya ang nawasakna dahil sa paghihiwalay na tulad sa iyo?
Sa ibang punto, Ka Eli, kung maaari at kung papayag yung Associate Editor ng Bannawag, gagawa kami ng isang artikulo at sana mailathala eto sa BAnnawag, IKAW, at ang ARTEmo, ang maifeature. Milion ang ILOKANO at sana milyon din ang makakabasa nito. Maaring ang titulo ay: Ang ARTE, KULTURA at LARO ng LAHI sa MATA ng ISANG PINTOR. Ano payagka?
Di na talaga complete ang centrum pag ganyan
makabagbag damdaming mga tagpo yun ha, pwede nang isa pelikula yung istorya mo eli
Ka Eli Wow! tindi talaga ng epekto pag valentimes day! lol’s kaliwat kanan puro pag mamahalan hahahah
mas malungkot ang iiwanan kaysa yong umiwan pero ganun talaga buhay may pagsubok, don ka titibay at matuto…
speechless ako, ibang klase! ang hirap ng ganyang relatinship.. tas kameng mga OFW ay talagang kailangang magsakripisyo e. hay.. pero kung sa pagibig lang ay talaga kakayanin iyan dba? kung wagas ba ito e di talagang tatagal pa hanggang sa muli kayung magkita. ganyunpaman kapit lang. e pasasaan ba at makakamit nyo din ang mga pinapangarap nyo para sa isat isa!
madaming ways naman para makakapag communicate kayo eh.
haytek na ngayon e
hello ka eli, tag kita ha..gawin mo na lang kung kelan ka may tym…salamat ka eli
!
WOW..THIS IS ONE OF MY FAVORITE POSTS..EVER
ayan capitalized yan ha.ang galing.it’s simple yet heart warming.
dun worry parekoy, dito kami para makinig sayo habang wala pa si honey mo.
haayy..bigla ako tuloy may naalala.
‘napanaginipan ko siya ilang buwan bago kami magkakilala.’ —–alam mo totoo ito. before, lagi ko rin syang napapanaginipan. pero blurd ang hitsura. tapos nang makilala ko sya, nanaginip ulit ako pero malinaw na mukha nya. pero wala na kami.ex ko na sya ngayon.hehe
.
Aray ha!! wala akong nararamdaman at hindi ako nakakareleyt pramis! Uwi na nga lang ako hahaha.
Nakaka-overwhelmed palang makakita ng istoryang kaparehong kapareho ng sayo sa ibang tao. Konti lang i-eedit ko pareho na pati feelings ahehe. Di man maging kasing successful ng sa iyo ang story ko…isa yun sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
We will be together…in this world or the next..nyahaha. Kaya ayoko magblog-hop eh. Tarages!
At peyborit nga pala namen ang “A Knights Tale” wula lang share ko lang baket ba?!
I love you there is nothing else to do. Run and I will run with you…
~ A Knight’s Tale ~
napadaan lang po.
nice love story. akala ko, malungkot yung ending. pero hindi naman pala. hehe.very optimistic. galing!
Honeyko,
Thank you for being proud of our love story.Sobrang na-touch po ako sa effort mo to make this valentines day a really special day for us. i know that this is just a test of time and distance for us kaya makakayanan nating lagpasan ‘to. basta, we should keep on believing and praying for our love and friendship and I know that we will be together in God’s perfect time. I love you so much honey and I’m so proud of you!
kaya nyo yan, basta wag lang kayo susuko. hehe
grabe kuya eli, pati para sa area ng pag – ibig expert ka din, hindi lang sa art. What a combination. kaya pala lagi ka tulala minsan hahahaha. Nice love story
may love story ka din pala bro e. but your story is real. hehe
Kahit ano ang gawin mo, Ako pa rin ang alaxanFR ng buhay mo!!! he2 pwedeng linya ba yan tol?
ganyan talaga ang life it is just a test of time… nice post…
Long distance relationship is very hard. Dapat maging matatag kayo. Dami temptations kaya constant communication dapat. And don’t forget to pray always for God’s guidance. I’m in a long distance relationship and yes, mahirap. How I wish life is easier.
touch q dah1
Pinaparanas sa atin ng Panginoon ang mga pangyayari sa buhay, masaya man o malungkot, upang tayo’y maging mas mabuting mga nilalang.
Sa mga panahon na hahanapin mo si honeyko, subukan mong kantahin ang simpleng kantang ito…..
“patriotic service to country, we’ll prove to you our love and loyalty……” marahil ay babalik ang mga alaala kung saan at paano kayo unang nagkakilala.
maraming bible verse sa blog mo. pwede ko bang malaman ang relihiyon mo, kabayan?
hello kuya eli cencia n la8 ako nag comment but i really love your story and i’m hoping na sana maging happy ending..
SOO.. Pano ba yan? Goodluck