Dito Pilipinas, hindi maikakaila ang kahalagahan ng tricycle sa pang-araw-araw na buhay ng isang ordinaryong Pinoy. Ang masama dito, kailangan ng langis upang tumakbo ang tricycle. Kaya naman namamasada man o pasahero, parehong mapi-perwesyo kapag tumaas ng todo-todo ang presyo ng petrolyo.

Minsan (nung kasagsagan ng pagtaas ng presyo ang gasolina) ay nagtigil pasada ang mga tricycle driver dito sa lugar namin. Ginawa nila ito bilang protesta sa walang habas na pag-taas ng gasolina. At ang nakikita nga nilang solusyon, magtaas ng pamasahe.

Nag-usap usap ang mga operator at drivers ng tricycle. tigil pasada daw sila ng lunes at martes. kaya naman ang daming na-late sa trabaho at sa bandang hapon naman ay problema kung pano uuwi (mabuti na lamang at ilang hakbang lang ang layo ng tinutuluyan ko). Tinutoo talaga nilang wag mamasada ng dalawang araw kaya naman puro kamot at buntong hininga ang mga walang masakyang mga empleyado at mga estudyante.

Miyerkules, balik pasada na.

tricycle driver: (nakita niya ang paparating na empleyado kaya pinaandar ang tricycle at lumapit ito) sir, tricycle po ba?

babae: (napakunot noo ito): huh..hindi kami sasakay. dalawang araw na pinakikiusapan namin kayong isakay kami ayaw nyo. tapos ngayon tatawag-tawag kayo ng sasakay sa inyo! (halatang inis si ateng)
kung may tigil pasada kayo, kami naman ‘tigil sakay’ kami for three days! tingnan natin
kung sinong walang isasaing! (naku..patay tayo dyan!)

pagkarinig nun, balik uli sa pila yong tricycle driver..nagkakamot ng ulo!

Ang dami kong nasabi..actually, gusto ko lang ipakita sa inyo ang digital artwork kong ito. hehe

tricycle

kung sana ay totoo at umaandar ang ‘drawing kong ito’..sisingit ‘sana’ ako sa eksena sabay sabi
“SOLVE NA ANG PROBLEMA N’YO DAHIL MAY SOLAR TRICYCLE NA!” (lilitaw ang solar tricycle sa harap
nung driver with drum roll…). Manlalaki ang mga mata nito at dali-daling sasakay sa solar tricycle. paaandarin ito (halata sa mukha ang excitement) at mapapasigaw ito “ETO NA! ETO NA ANG SAGOT SA PROBLEMA!” Lalapit ang babae (todo ngiti) “siguro naman ngayon, hindi na kayo magtitigil pasada!
kung ganyan sana ang eksena…e di ang saya-sayaaaa!

 

 

A wise man’s heart inclines him toward the right, but a fool’s heart toward the left – Ecclesiastes 10:2


Digg!